Followers

Monday, August 14, 2017

ANG AKING NAGING LANDAS TUNGO SA PAGBABALITA

Paano nga ba maging isang TV Reporter? Kailangan ba tapos ka ng kursong Mass Communication? Kailangan ba guwapo o maganda ka? kailangan ba magaling kang magtagalog at mag-english? Kailangan ba may kapit ka?

Ako? hindi ko rin alam, pero base sa aking karanasan. .

Wala iyan sa kurso, sa hitsura, sa galing mag-english o magtagalog . .
 
Dapat meron kang Pangarap  . .  Diskarte  . . Sipag ... Tiyaga   . . at  Lakas ng loob . .

pero siyempre kailangan din kahit papaano may mga KAkilala ka na magrerefer sa iyo o magsasabi sa yo ng mga opening  . . kaya dapat din marunong kang makisama , para makakilala ka ng ganitong mga tao na magbibigay sayo ng pagkakataon

Hayaan niyong ikwento ko ang aking naging buhay . .

mula sa pagiging isang estudyante . . dubber  ..  writer  . . dubbing director . . cadet reporter . . hangang sa maging isang tunay na reporter ng NBN 4 at TV5


4TH year college student pa lang ako noon sa UST College of engineering . .

nagbabuy and sell ako noon ng mga cd at cellphone accessories sa cable channel . .

Uso noon ang meteor garden, nagpost ako sa cable channel na nagbebenta ako ng cd ng Meteor Garden  . . 

nagkataon naghahanap yung isang dubber na si Yvette Tagura ( yung nagdub sa nanay ni San Chai) ng cd  ..  

tinext niya ako tapos nalaman niyang marunong pala akong magchinese . . 

so ipinakilala niya ako sa director nila na si Danny Mandia kasi kailangan daw nila ng titingin sa translation kasi raw marami ang nagrereklamo dahil minsan hindi tugma yung subtitle na intsik sa mga dialogue  . . dun na nagsimula ang aking career  . .

ang dating mahiyain at bubulol bulol na Filipino Chinese . . nagsimula nang magdub ng tagalog

Kumikita na ako noon sa ABS_CBN sa pagdadub at pagsusulat pero tinapos ko pa rin ang kurso kong BS Industrial Engineering sa UST...
Salamat kay Direk Danny Mandia na naging parang pangalawang ama ko na nagbigay sa akin ng pagkakataon  . . at nagtiwala sa akin ng husto . .

dahil sa kanya . .  nakapasa ako sa audition ng Disney bilang bida sa Kimpossible . .

binigyan niya rin ako ng pagkakataong magbida sa Akasukin Chacha bilang Shiine

at dahil sa pagtutok at pagtuturo niya . . makalipas lang ang mahigit dalawang taon . . naging dubbing director din ako ..

Isa rin sa mga nagtiwala sa akin ang dating boss ng HERO TV na si Eric Ang Go at CPI acquisition officer na si Lani De Guzman




W/ THE  VOICE MASTER POCHOLO GONZALES
WITH JAY DE CASTRO AND BENJIE DORANGO

WITH DANNY MANDIA, POCHOLO GONZALES, KIM ATIENZA, AND ERIC GO
DIREK DANNY MANDIA , POCHOLO GONZALES, AND MIKE LIPATA
DUBBERS YEYETH , ALLAN AND ME
DIREK DANNY MANDIA, ME, AND HERO TV CHANNEL MANAGER CARLO LANDRITO
DUBBING AKAZUKIN CHACHA


CHOY, JAY, ME AND BENJIE

ME AND DANNY MANDIA
ME AND DANNY MANDIA

pero hindi naging madali ANG LAHAT, DAHIL bago ako naging DUBER AT dubbing direCtor, nakatikim ako ng IBA'T IBANG mura MULA sa "ibang" direktor dahil sa tagal kong magdub SA LOOB NG DUBBING BOOTH  :) . . 

at nUng maging dubbing director naman ako, marami ang nagtaas ng kilay  at nainis DAHIL SA BILIS NG PANGYAYARI. . pero okay lang iyon . . napatunayan ko naman ang sarili ko sa kanila . .

ang lagi ko ngang biro . . hindi naman ako magaling e ..  masipag lang :)

 Dumating yung panahon na mahina ang dubbing noon kaya ako . .
kasama ang mga barkada kong sina Benjie Dorango ( boses ni Dao Ming Sze) at Jay De Castro ( boses ni Luigi ng  Full House) nagtry kami sa TV . . nagsegment producer kami sa tv show ni chairman Bayani Fernando at kung minsan ay naghohost din kami

 hangang sa nagkaroon ng cadetship program ang NBN 4 ( PTV 4 na ngayon)  . .

sinubukan namin mag-audition at nakapasa naman kaming tatlo . .

Doon natuto kami ng husto . . Multi Tasking . . isang napakagandang training  . . natuto akong magshoot gamit ang camera . .  magsulat ng script . . magboses ng script at mag-edit  ..  salamat sa pagtuturo at paggabay ni MR Jesus Matubis .. ang aming naging guro sa Cadetship Program . . at pati na kay Boss Rudy Aquino, ang aming news manager na nagtiwala sa amin

SALAMAT DIN KAY MR EMIL CARREON, DAHIL SA KANYA, NATUTO AKO NG IBA'T IBANG DISKARTE SA PAGKUHA NG VIDEO AT PAGSUSULAT NG ISTORYA. 

Nagtagal din kami sa NBN 4 ng isang taon bago kami lumipat sa TV5 noong magkaroon ng opening noong 2010







No comments:

Post a Comment

ANG AKING MUNDO . . TV5

MULA 2010 HANGANG SA KASALUKUYAN . . BUKOD SA AKING PAMILYA . . DITO NA UMIIKOT ANG AKING MUNDO . . DITO NA AKO TUMABA. . PUMAYAT . . ...